8.08.2012

Totoong Bayanihan :)

Aug 9, 2012

Magtatagalog ako ngayon dahil pinagmamalaki kong maging Pilipino. (Hangga’t kaya ko tagalugin mga sasabihin ko :P ) Nakakalungkot ang mga pangyayari pero di maitatanggi ang magagandang aral at kwento na mapupulot sa trahedyang ito. :)

Adrian Dungo at http://adriandungo.weebly.com/ 

GMA News TV

Tatlong araw na akong hindi pumapasok sa trabaho kasi malakas ang ULAN. Hindi ito bagyo ah, ulan lang ang meron ngayon, pero hindi birong ulan. Ayon po sa PAG-ASA, sa NDRRMC at sa mga balita, tinamaan ng Habagat dala ng Bagyong Haiku ang Luzon at nagdala ito ng malakas na pag ulan na nagdulot ng matinding pagbaha. Apektado ang NCR at mga kalapit bayan. Marami halos ang nagkukumpara nito sa Bagyong Ondoy noong 2009. Matinding ulan talaga!




Hindi ko alam kung saan 'to pero lagpas leeg ng tao na ang baha

Ang Pasig Palengke kung saan ako namimili kapag mag "Night Market" ngayon hanggang hita na ang tubig

Sa Manggahan Floodway. Dinadaanan ko pa 'to papunta sa luma naming office- napakataas ng daan dito, pero ngayon halos sumampa na sa daan ang baha. 

 Maynila

Tarlac

UST

Ang NLEX na parang naging malaking ilog :|

Landslide sa Commonwealth QC. Ilang pamilya ang natabunan ng lupa 

UERM Hospital na halos lumubog na ang 1st Floor

Sa Isang Evacuation Site 



Ilan lang yan sa mga nakakalungkot na pangyayari. Sobrang dami pa talaga pero pinili ko na lang. *Hindi ko po kuha ang mga 'to, mga nahanap ko lang po na "trending" sa social networking sites.*

Kinaya na natin dati, kakayanin ulit natin bumangon, Pilipinas! :)

 Gusto ko magpasalamat sa Diyos dahil ligtas naman kami ng pamilya ko at hindi pinasok ng baha yung bahay namin; pero alam ko na di dapat magpakasarap na lang sa bahay dahil marami pang hindi ligtas sa kinalalagyan nila. Wala akong magawa kung hindi manood ng balita at magdasal para sa kanila. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilan ang eksaktong bilang ng nalunod, natabunan ng gumuhong lupa, at namatay sa sakit dala ng pag-ulan at pagbaha (nakakalungkot talaga na isipin nangyayari 'to sa atin) ang hirap matulog ng mahimbing lalo na pag naiisip ko mga napanood ko. Nakaka-Iguilty talaga. :(


Pero, kung pipilitin naman na tumingin sa bright side ng mga kaganapan, ang kagandahan naman sa mga Pilipino, nananaig pa rin ang isa sa mga paborito kong salita na hindi matatapatan ng kahit ano pang salita sa mundo at dito lang sa atin maririnig : ang BAYANIHAN :)) Ipapakita ko ang ilan sa mga larawan na lumutang sa mga kaganapan ng nakaraang mga araw :


Saludo ako sa mga rescuers na buwis-buhay talaga ang ginagawang pagtulong. Sa mga MMDA, Philippine Red Cross, Philippine National Police, the Armed Forces of the Philippines, at sa maraming Pilipinong tumulong sa kapwa. Napaka drama ko pero nakaka-iyak na makitang nagtutulungan ang mga tao, kahit na di sila magkakakilala -- inalis na ang pagsisihan kung sino may kasalanan bakit nagbabaha, inalis na din ang mga sama ng loob sa gobyerno, sa mga taong matitigas ang ulo at di sumusunod sa mga batas, sa mga nagkakalat ng basura at sa lahat ng pasaway na mga Pilipino. Ang mahalaga ay mailigtas ang buhay ng iba at makatulong sa kapwa hanggang sa abot ng makakaya. 



Isa pa sa mga lumutang na "quote" at totoong nagpapaliwanag sa kagandahang loob ng mga Pilipino ay ang mga katagang :


May mga pribadong kompanya rin na nagbigay tulong at isa ang Cha Dao sa magandang halimbawang nakita ko :) 

 Hindi rin matatawaran ang sakripisyong ginawa ng mga preso para sa iba


Walang dapat maiwan :"> 

Ako naman, bukas ako magbibigay ng mga damit at pagkain na nabili ko. 



Kaka-surf ko sa internet, ang dami ko pang magagandang kwentong nabasa, dalawa dito ay :

 1. Isang babae sa Katipunan

 Taken near Katipunan LRT station
The person in the picture is a mendicant. Usually asks for coins and alms, but a few days ago I spotted him clearing the drainage by removing the dirt with a stick. It was raining heavily at that time. His initiative to clear off the drainage to prevent mild flooding in that certain area made my respect for him higher. He is not educated. He is illiterate but that did not stop him from helping other people through his simple way. 
When I come across to you again, I promise to give what I can afford to give. 
(c) Johanna Labitoria

2. Ang Buhay ni Mang Roldan


Nakakaiyak na mga kwento ng totoong taong makatao! Walang wala sila, pero nakuha pa nilang tumulong.

Isa sa mga quotes na pinipilit kong isabuhay ay yung galing kahy Gandhi. Sana maging insirasyon nyo rin :) 
“Be the change you want to see in the world.”

Seryosong madalang ako mag blog at bilang na bilang lang sa daliri kung ilan na nasulat ko pero hindi pwedeng hindi ko 'to mailabas! :D Mahirap tanggapin na madalas talaga puro masasamang bagay lagi ang naririnig ko tungkol sa Pilipinas pero may mga kaya pa rin patunayan ang Pinoy. Malaki pa rin ang tiwala ko sa atin. Hindi man perpekto sa mga bagay, alam ko na uunlad pa tayo! 

MABUHAY! 



Shaine




No comments:

Post a Comment